Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Pnoy SONA 2012




                “Nakamit na ng Pilipinas ang pagbabago at ang mga Pilipino ang may kagagagawan nito,” sabi niya.
Noong Lunes, hinarap ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang isang magkasanib na sesyon ng Kongreso noong Lunes para maihatid ang kanyang ikatlong SONA. Sa kanyang talumpati, sinabi niya na hindi raw niya inaako ang mga papuri sa mga pagbabagong natatamasa ng ating bansa. Sapagkat ang mga papering mga ito ay para sa mga mamamayang Pilipino.
Sinabi niya na sa dalawangpu’t limang buwan na siya ay naging Pangulo, natutunan niya na, walang imposible dahil kung makikita lang ng mga Pilipino na sila ang boses ng pamahalaan, sila ang mga tunay na mamamahala, sila ang gagabay sa bansa, sila-ang kanilang mga sarili ang magdadala sa kanilang makabuluhang pagbabago.
“Walang imposible sa isang bansang nagkakaisa,” sabi ng pangulo. “Ito ang ating pinangarap, ito ang pagbabago na ating nakamtan.”   
Sa kalagitnaan ng kanyang isa’t kalahating oras na talumpati, sinabi niya na: “Hindi ba’t kay sarap maging Pilipino? At ang mga benepisyo ng pagbabago, kalsada ay tuwid at antas, at maayos aspaltado; kalakal ng lunas ay handa na kahit na bago ang bagyo ay dumating,  rescue services ay palaging sa standby,  mga sirenang malalakas na ingay mula sa mga sasakyan ng pulis, ambulances, at fire trucks-hindi mula sa mga sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan ang naririnig sa kalsada.”
Inulat niya din ang walong credit upgrade rating, ang 44 stock market record highs , at ang unang kapat ng 2012 Gross Domestic Product ay tumaas ng 6.4 percent namas mataas kaysa sa inaasahan, ang pinakamataas na paglago sa rehiyon ng Southeast Asia, at ikalawa lamang sa China sa buong Asya.
Samantala, ang “cash transfer program” para sa pinakamahihrap na  mahihirap ay lumawak hanggang sa 3,100,000 na mga kabahayan noong Pebrero ng 2012 mula sa 760,357 noong una siyang umupo sa kaniyang puwesto noong Hunyo ng 2010. Para sa susunod na taon, ang programa ay papalakihin hanggang sa 3,800,000 na mga kabahayan, na limang beses mas malaki kaysa sa programa na siyang minana niya pa mula sa administrasyon ni Arroyo. Sa ilalim ng programa, ang mga makikinabang makakuha ng P1, 400 sa isang buwan sa kondisyon na ang mga buntis ay makakuha ng regular na prenatal checkups, ang pribelehiyo ng mga ina na maidala ang kanilang mga anak sa mga klinika para sa pagbabakuna at ganun din ang maipagpatuloy ng kanilang mga anak ang kanilang pagpasok sa paaralan.
Sa sangay naman ng pangkalusugan, sinabi niya na lumaki ang bilang ng mga Pilipino na nabigyan ng PhilHEalth card na mula sa 62% noong 2010 na naging 85%. Higit pa rito ay ang 5,200,000 na pinakamahihirap na pamilya sa bansa ay mabibigyan ng benepisyong medical sa pagpapagaling ng mga sakit tulad ng kanser at leukemia.
Sa katapusan naman daw ng taong 2012, malulutas na ang mga problema sa mga pampublikong paaralan. Matatapos na daw kasing gawin ang 66, 800 na bagong silid aralan, may karagdagan ding 2, 573, 212 na mga upuan at 61.7 na milyong libro ang ipapamahagi para maipatupad ang  ratio ng libro sa estudyante na 1:1. Ayon sa kanya, pilit namang nilulutas ng pamahalaan ang mga suliranin sa linya ng edukasyon ngunit ang kakulangan hindi mawawala hangga’t patuloy ang pagtaas ng populasyon. “Marahil, ang responsible parenthood bill can help address this,” sabi niya. Sabay nito ang masibagong palakpakan ng madla.
Isa din sa pukaw-atensyon ang kanyang adhikain na palawigin o paunlarin ang military sa pagmomodernisa.  Maglalalaan daw ang Pangulo ng Php 28B para sa paggawa ng makabagong military. Hindi lang iyon, sinabi niya na kung maipapasa ang proposed modernization military bill na ito sa Kongreso ay mayroon namang ilalaaan na Php 75B sa depensa para sa susunod na limang taon. Ang bansa ay hindi maaaring ibigay lang basta basta ang teritoryo na tunay na sa atin kaya nanawagan ang Pangulo na makiisa ang mga mamamayang Pilipino sa pamahalaan sa pagresolba ng alitan ng Tsina at Pilipinas.  "Kung ang isang tao ay pumasok sa iyong bakuran atsinabi sa iyo na siya  ang nagmamay-ari nito, papaya ka ba?" sabi niya. “ Hindi tama na ibigay an gang bagay na tunay nating pagmamay-ari. Kaya hinihiling ko ang pagkakaisa sa usaping ito at magsalita tayo na iisa lang ang sinasabi.” Sinigurado niya na ang bansa ay naghahanap ng pinakamainam na solusyon na katanggap-tanggap sa lahat sa pamamagitan ng paghingi ng mga konsolasyon sa iba’t ibang eksperto ng atiing bansa at kahit pa yoong mga nasa labas nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento